MULI ay isinisi ni Jayson ang dalawang kapalpakan sa sarili niya. “Hindi ko namalayan ang pagsulpot at pag-alis ng magandang crush ko simply because kulang ako sa focus. Nakabukas nga ang aking mata pero hindi rumerehistro sa isip ko ang nakikita.â€
Kinumbinsi ni Jayson na iyon na nga ang dahilan. Kundi ay paano pa niya mae-enjoy ang ilang araw na business-leisure trip sa ibang bansa?
Mula sa airport ay sinundo siya ng service van ng travel agency. Itutuloy siya sa 5-star hotel na titigilan niya.
Madaldal ang Malaysian driver-tour guide. “Jelan in our language means Road. Selamat is Thank You. Male or Man is Lelaki.â€
“Aba, may hawig sa salita namin sa Pilipinas!â€
“Excuse me?†Hindi naintindihan ng Malaysian.
“I mean there are similarities in our languages.â€
SA UNANG dalawang araw ay umattend ng advertising congress si Jayson. Bahagi iyon ng kanyang business trip bilang representative ng advertising agency nila sa Manila.
Wala namang hassle siyang na-encounter sa magkasunod na araw na iyon. Sa gabi ay nagla-lap top siya sa lobby ng hotel; nanonood na rin ng live entertainment doon.
Nagkataon na ang performers ay isang rock band mula sa ‘Pinas, binubuo ng dalawang dalaga at isang binata.
Pinapalakpakan nang husto ng local and foreign audience ang tatlo. Sabihin pa’y proud si Jayson.
Sa labas ng hotel ay laganap na ang dilim. Bilang binatang loveless, biglang na-wish ni Jayson na sana ay may ka-date siya.
Naalala niya ang babaing naging crush sa eroplano. Sigurado siyang makakasundo niya ito laluna sa dinner dates.
NapabuntunghiÂninga si Jayson. He doesn’t even know her name.
Pero tandang-tanda pa rin niya ang mukha nito. Laluna ang taglay nitong sweet smile.
“Parang Mona Lisa smile. Oh, I miss you—whoever you are.†Hatinggabi na siya umalis sa lobby, patungo na sa elevator para makapunta sa room niya sa 23rd floor. May nahagip ang kanyang mata sa dulo ng corridor. “S-siya nga! Ang babaing crush ko sa eroplano!â€
Pero nakasakay na ito sa elevator. “Hey! Wait!†(ITUTULOY)