Spirit Guide Line

Alam n’yo ba na ang namatay nating magulang, kapatid, anak, best friend na naging malapit sa atin noong sila ay nabubuhay pa ay nagiging “spirit guide” natin? Minsan, ang isang taong inalagaan natin habang siya ay maysakit at pagkatapos ay sumakabilang buhay, ay nagi­ging “spirit guide” din natin. Hindi lahat ng tao ay may spirit guide line. Pagkaraang yumao ng taong “close” sa iyo at biglang may lumabas na linya nakaka-kabit sa LIFE LINE , iyon na ang tinatawag na SPIRIT GUIDE LINE. Ibig sabihin, ang yumao mong mahal sa buhay ay nariyan lang  lagi sa tabi mo. Ang spirit guide line ay lumalabas sa kaliwang kamay kung ikaw ay right handed. Sa kanang kamay kung ikaw ay left handed. Tingnan ang illustration para maunawaan

Show comments