Alam n’yo ba na ang kamote ang ika-anim sa pinakaimportanteng pagkain sa buong mundo? Tumutubo ito halos sa buong Asya. Ang Vardam, Mississippi ang itinuturing na “Sweet Potato Capital of the Worldâ€. Noong 2004, 98,300 ektarya ng kamote ang itinanim sa America. Sa Peru, 750 B.C. pa lamang ay tumubo na ang kamote rito. Nakarating lang ang kamote sa America noong 1492 nang dumating dito si Columbus. Noong 1918 nagkaubusan ng harina sa America habang nasa kalagitnaan ng World War I, kaya naman ang kamote ang kanilang ginamit upang maitustos sa pagkain ng kanilang mga sundalo. Ipinagdiriwang sa Benton, Kentucky ang piyesta ng kamote at ito ay tinatawag nilang “Tater Day Festivalâ€. Ito ay ipinagdiriwang ng tatlong araw sa loob ng isang taon. Ang piyestang ito ay bilang pagkilala at pagpaparangal sa kamote.