Ang stress ay isa sa mga dahilan kung bakit agad na tumatanda ang itsura ng isang tao. Ang balat ang unang naapektuhan kapag ikaw ay palaging stress, galit o problemado. Lumilikha ito ng mga kulubot o wrinkles sa iyong mukha at balat. Kaya ang resulta, mukha ka ng matanda. Ngunit may ilang paraan naman para makontra mo ang epekto ng stress sa iyong balat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas dobleng atensiyon dito. Narito ang ilang paraan at pagkain na tutulong sa’yo para hindi ka magmukhang matanda.
Avocado – Mayaman sa vitamin A at glutamine ito kaya mahusay na pang-moisturize ng balat para mai-repair nito ang balat kasama na ang iyong buhok. Magkakaroon din ng “glow†ang iyong itsura dahil sa taglay na “phytonutrients†nito. Magdurog lang ng 1-2 avocado at ihalo ito sa honey o essential oil. Saka ipahid sa iyong balat. Ibabad ito ng 20-30-minuto at saka magbanlaw ng maligamgam na tubig.
Tea Tree Oil – Nagtataglay ito ng panlaban sa anumang uri ng mikrobyo at naglilinis sa mga maliliit na butas sa ating balat o tinatawag na pore. Dahil dito, maging ang mga duming sumiksik sa iyong balat ay tatanggalin nito kasama ang mga dead skin cells. Palalakasin din nito ang collagen sa iyong balat na siyang lumalaban sa mga toxic materials na nakukuha mo sa hangin. Maghalo lang ng ilang patak ng tea tree oil sa maligamgam na tubig at ito ang huling ipangbanlaw sa iyong paliligo.
Coconut oil – Ito ang pinakanatural na paraan para gumanda ang iyong balat. Mayroon itong “unique ability†para makapasok ito sa pinakamaliit na pores ng iyong balat dahil sa taglay nitong lauric acid. Nagtataglay din ito ng anti-ageing properties.
Oatmeal – Ito ay may anti-inflammatory properties at bagay sa lahat ng uri ng balat. Mayroon itong saponins na siyang naglilinis sa balat.