Para guminhawa kung may sinus headaches (2)

May kaugnay na adjustment din sa inyong diet o ang pagdaragdag ng nutritonal supplement na makakatulong para mapabuti ang pakiramdam kung may sinus headaches. Ayon sa mga expert ang pagkonsumo ng probiotics o mga pagkain na may friendly bacteria gaya ng nasa yogurt at iba pang mga pagkain. Ang bromelain, isang enzyme na makukuha sa pineapple ay makakatulong para mabawasan ang pamamaga. Ang quercetin o plant pigment ay humahadlang sa paglabas ng histamine, na nagdudulot ng allergy symptoms at sinasabing nag-uudyok sa pagkakaroon ng sinus headaches.   

Subukan din ang paggamit ng eucalyptus bilang expectorant, para makaiwas sa mucus at para makakawala sa flu o cold congestion na karaniwang humahantong sa sinus headaches. Ang sinupret ay tinukoy na nakapagpapaginhawa ng sinusitis symptoms. Dahil pinaninipis nito ang mucus kung kaya nabibigyan ng pagkakataon na maging clear ang sinuses, na magandang paraan para mahadlangan ang pag-develop ng sinus headaches. Pwede rin subukan ang essential oils monoterpenes na pinagsamang essential oils. Gayundin ang eucalyptus, na maaaring ihalo sa katas ng pine o citrus oil na sinasabing makapagpapaginhawa sa mga karamdaman, kabilang na ang sinusitis, na kadalasan ay nauuwi sa sinus headaches. Ang iba pang herb na sinasabing makakapagpaginhawa sa sinus ay kinabibilangan ng feverfew, willow bark at Chinese skullcap.

Show comments