Mga dapat malaman tungkol sa pagdidispley ng halaman sa bahay:
1—Bahagi ng feng shui ang pagtatanim ng halaman sa paligid ng bahay dahil ito’y nagdudulot ng good energy.
2—Magdispley ng halaman sa loob ng office upang madagdagan ang suwerte sa career. Ilagay ito sa south, east at southeast.
3—Kung ang married couple ay hindi magkaanak, iwasang maglagay ng bulaklak sa bedroom at sa halip ay mga prutas na nasa basket ang idispley dito. Pinakamainam na prutas ay pomegranates or granada. Simbolo ito ng maraming anak dahil marami itong buto. May nabibili nang seedlings sa UP Los Baños.
4—Huwag ipapasok sa loob ng bahay ang mga halamang may tinik, lalo na sa front door.
5—Huwag mag-alaga ng bonsai. Nagpapahayag ito ng naudlot o napigil na pag-unlad.
Itutuloy