Maraming nakakagulat na bagay na tunay namang na nakakaapekto sa kalusugan ng mga kababaihan. Narito ang ilan:
Maaari kang magkasakit sa puso sa lipstick – Sa isinagawang pag-aaral ng mga eksperto, maraming branded lipstick na nagtataglay ng mapanganib na kemikal gaya ng parabens, methacrylate, lead, calcium at triclosan. Ang mga substances na ito ay mabilis na humahalo sa iyong dugo dahil direkta itong inilalagay sa labi. Hindi lang naman isang beses naglalagay ng lipstick ang mga babae, sa halip ay paulit-ulit itong nagre-retouch para mapanatili ang ganda ng kanyang labi. Partikular na tinukoy na mapanganib ang triclosan dahil minsan na itong ginamit sa daga at natukoy na naapektuhan ang utak at muscles ng daga. Hindi rin inaprubahan ng isang kilalang kompanya ang paggamit ng kemikal na ito sa kanilang produkto dahil sa panganib na dala nito.
Nakakatulong ang green tea sa osteoporosis – Ang osteoporosis ay pangkaraniwan ng sakit sa buto ng mga kababaihan at talaga naman masakit sa pakiramdam. Mas mabilis tamaan nito ang mga babae kumpara sa mga lalaki dahil mas manipis ang buto ng mga babae. May good news naman dito, dahil nadiskubreng ang green tea pala ay nakakatulong para sa mga taong may mahihinang buto. Kaya makabubuting sanayin ang sarili na uminom ng green tea.
Nakakataba ang make-up - Ang mga non-organic make-ups ay kadalasang nagtataglay din ng mga kemikal na hindi mabuti sa kalusugan. Gaya ng kemikal na “phthalates†kung saan 70% ng mga make-ups at cleaning products at body lotions ay mayroon nito. Sa ginawang pag-aaral ng Mount Sinai Medical Centre sa New York, nakita ang kemikal na ito sa ihi ng mga batang obese.
Ang pagda-diet ay nakakapagpapababa ng pagkakaroon ng breast cancer – Ang sakit na ito ay karaniwan sa mga babae at ikalawa sa mga sakit na pumapatay sa mga kababaihan. Kaya lang malaki ang posibilidad na makaiwas dito kung pipigilan mo ang iyong pagtaba.