Pinahiran ng putik sa mukha

Panaginip:  Nilapitan ako ng isang taong kamukha ko at inihilamos sa aking mukha ang putik na hawak niya. Para makaganti, ipinahid ko sa kanyang damit ang aking mukha na puno ng putik. Pagkatapos ay nagsabunutan kami.---active Dreamer

Interpretation: May kinasasangkutan kang intriga at natatakot ka sa komprontasyon. O, kaya, ipinamumukha ng ibang tao sa iyo ang mali mong ginagawa ngunit hindi mo ito tinatanggap.

Show comments