Nawalan ng paa ang anak

Panaginip: Nagpaalam ang aking anak na sasama sa mga barkada patungo sa malayong probinsiya upang maglakwatsa. Hindi ako pumayag pero tumuloy pa rin siya. Nainis ako sa katigasan ng kanyang ulo kaya nag-wish ako na mawalan sana siya ng paa para di makaalis. Natupad ang wish ko at nagsisi ako.---Aura

Interpretation: Nagpapahayag ang buo mong panaginip na ikaw ay over protective mother. Ikaw yung tipo ng mother na ayaw mong pakawalan ang iyong anak na nagiging hadlang naman upang matutunan niyang tumayo sa sariling paa. Ito ang ibig sabihin ng nawala ang kanyang paa.

Show comments