AALAMIN ni William kungbakit hindi niya makita ang multo ni Tamara sa dulo ng bahaghari, sa playground ng elementary school.
Kasama pa rin niya ang magandang biyuda. “Donna, unahin nating puntahan si Father Jayson. Diyan sa simbahan sa unang kanto.â€
Ihininto ni Donna ang kotse sa patio ng simbahan. Natanaw agad nila ang bata pang alagad ng Diyos, naglalakad palabas ng main gate.
Magkababata sina William at Father Jayson, mabuting magkaibigan.
“Mukhang binugbog ka ng sangkatutak na problema, Willy. What’s up, bro?†Makulay si Father. Saka lang nito nalaman ang magkasunod halos na pagkamatay ng asawa at anak ni William. “Hindi ko nabalitaan. Nakikiramay ako.â€
“May ikukunsulta ako, Father Jayson.â€
“Teka, nag-asawa ka na ba agad?â€
Napangiti-napailing ang bagong biyudo. “Kaibigan ko siya, si Donna. Wala kaming relasyon.â€
“Ayaw na niyang mag-asawa, Father,†dagdag ni Donna, nakangiti.
Nag-usap nang solo sa glorieta ang dalawang lalaki. Napapantastikuhan ang pari sa kuwento ni William tungkol sa rainbow at sa masasayang multo ng mga batang napatay.
“Really?â€
“Really, Father Jayson.â€
“Ano ang kinalaman ng end of the rainbow, Willy? Kanta lang ‘yon na ang eksaktong linya ay ‘at the end of a rainbow you’ll find a pot of gold’. Ginto ang nasa dulo ng bahaghari, hindi multo. At…kanta nga lang ‘yon, hindi dapat paniwalaan.â€
“Marami kaming nakasaksi sa mga multong masasaya, Father. Mga kapwa ko magulang.â€
“May tinatawag na mass hypnotism. Baka sabay-sabay kayong na hipnotismo ng kung sinong magaling.â€
“The point is—wala sa mga multo ang aking anak, Father. At iyon ang ihihingi ko sa iyo ng paliwanag.â€
First things first, sabi ng pari. Niyaya nito si William sa pinangyarihan ng pagmumulto.
Hindi tumutol si William, noon di’y isinama sa elementary school ang pari. Nagpaalala si Donna. “William, walang ulan, wala kang nakikitang rainbow. Baka mabigo kayo…†(TATLONG LABAS)