Alam n’yo ba na mas makakabuti raw na pabayaan ang isang baby na umiyak hanggang sa makatulog ito? Ayon sa pag-aaral ng Temple University sa Philadelphia, kinumpirma ng mga magulang ng 1,200 sanggol na may edad na anim na buwan pataas, 66% sa mga batang ito ay nagigising sa mga alanganing oras. Kaya naman ang nanay ng mga ito ay hindi magkandatuto sa pagpapatahan sa kanila. Pero, hindi ito tama, dahil papagurin mo lang ang iyong sarili. Sinabi ni Marsha Weinraub co-author ng Temple Psychology, dapat na matutong matulog mag-isa ang baby kaya dapat lang siyang hayaan na umiyak hanggang sa makabalik muli sa pagtulog.