Ano ang naghihintay sa inyong kapalaran (12)

PIG

Malaki ang tsansa na tumaas ang posisyon sa trabaho o madagdagan ang suweldo o makuha ang isang malaking business contract na matagal mo nang hinahangad. Upang mabilis na matupad ang magandang kapalarang ito, magdispley ng Fengshui Fly on Horse sa Northwest sector ng salas. May maimpluwensiyang tao ang tutulong sa iyo para sa ikaaasenso ng iyong career. Magdispley ng Fengshui Lotus Flower (clear) sa Northwest upang matupad ito.

Ang may asawang Pig ay may tsansang mangaliwa kaya kaun­ting pagpipigil lamang upang mapanatili ang katahimikan at kaligayahan ng pamilya. Sa trabaho, makakatanggap ka ngayon ng bagong responsibility o bagong project.  Ang Wealth luck ay makakamtan ng lahat maliban sa 66 year-old Pig. Poor ang health sa 18 at 78 year-old Pig.

 

Show comments