^

Para Malibang

Ex ni ate, bf ni bunso

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Elle, 20. May bf dati ang ate ko. Guwapo at crush ko siya. Three months lang silang mag-on. Nakikita ko kung paano siya pinagsupladahan ng ate ko. Kung minsan ay hinihiya sa harap ng mga friends nila. Hanggang sa nainis ang bf ni ate kaya nakipag-break sa kanya. Para namang balewala sa kapatid ko ang nangyari. Nang tanungin ko siya kung hindi siya na-hurt, ang sagot niya ay wala na raw ako dun. Isang araw, dumalaw sa bahay ang ex ni ate. Sabi niya gusto akong makausap. Nanligaw siya sa akin. Sinabi niya na mahal niya ang ate ko kaya lang nawala ang pag-ibig niya dahil nakita niyang cold ang pagtrato sa kanya. Niligawan niya ako at hindi nagtagal sinagot ko siya. Nang malaman ito ng kapatid ko ay nagalit siya at sinabunutan ako. Ina­wat lang kami at parehong pinagalitan ng nanay namin. Ano ang dapat mong gawin?

Dear Elle,

Kung tutuusin, wala nang karapatan ang ate mo na awayin ka dahil wala na silang relasyon. Kaya lang, na-offend siguro ang pride niya kaya ka niya inaway. Nasa sa’yo kung ibig mong ituloy ang relasyon mo sa ex niya pero siyempre, may kapalit na “away pamilya.” Ano ba ang importante para sa’yo, ang pag-ibig mo o ang maayos na relasyon ninyong magkakaanak? Timbangin mo ang sitwasyon at ibase mo diyan ang iyong gagawing desisyon. Tiyakin mo rin na mahal ka ng bf mo o gusto lang niyang pasakitan ang iyong ate dahil sa ginawa sa kanya.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

ATE

DEAR ELLE

DEAR VANEZZA

GUWAPO

HANGGANG

NANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with