Ano ang naghihintay sa inyong kapalaran (8)

Monkey

Kahit hindi ka masyadong mag-effort, tagumpay pa rin ang makakamtan sa iyong mga gawain. Ganoon kabagsik ang iyong suwerte sa Year of the Snake. Kaya lang, ang epekto nito ay maraming maiinggit sa iyo at magkakalat ng mga paninira laban sa iyo. Huwag kang paapekto dahil negative energy ang idudulot nito sa iyong aura.

Magiging sakitin ka this year, lalo na ang 57-year-old Monkey kaya huwag magpatumpik-tumpik na magpatsek-ap sa doktor kapag sumama ang pakiramdam. Kung bokya sa kalusugan, excellent naman ang kapalaran sa pag-ibig. Ang single Monkeys ay nakatakdang matagpuan ang kanilang dream love. Mataas ang pag-asa na magtagumpay sa sisimulang bagong negosyo. Ang 57-year old Monkey ang delikadong malugi o mawalan ng malaking halaga ng pera. Kontrahin ang mga ito sa tulong ng mataimtim na panalangin

Show comments