Ano ang naghihintay sa inyong kapalaran (6)

Snake

Mas maganda ang kapalaran mo ngayong 2013 kaysa noong nakaraang taon. Hindi naman super nakaka-shock ang suwerteng darating sa iyo pero magagalak ka sa improvement na mangyayari sa iyong pinansiyal na kalagayan. Ilan din mga pangyayari at balita ang darating  na magpapaligaya sa iyo. Ingatan ang kalusugan ng 48 year-old Snake. Ang money luck ay makakamtan ng lahat maliban sa 36 year-old Snake.

Ang mga estudyante ay magkakamit ng scholastic luck.  Ang mga nagtuturo sa institusyon at ang trabaho ay may kinalaman sa pagsusulat, broadcasting or communication ay pagkakalooban ng career luck. Ang Singles ay magiging ma-appeal sa opposite sex. Sa pangkalahatan, alagaang mabuti ang kalusugan dahil kung mahina ito, paano mo sasalubungin ang mga oportunidad na lalapit sa iyo. At saka kailangan mong maging malakas para sa hindi kalakihang problemang susulpot paminsan-minsan sa iyong buhay.

 

Show comments