Ayon sa Feng Shui, ang bintana ang “mata” ng bahay. Kung sobrang maliit ang size ng bintana kumpara sa sukat ng isang kuwarto, ito ay nagbibigay na pakiramdam na “nakakulong” o “hindi makahinga.
Hindi rin maganda kung maliit ang kuwarto pero maraming bintana. Ang resulta ay nagiging hyperactive ang mga batang gumagamit ng kuwarto.
Alam ninyo ang skylights? Ito ay ang paggamit ng transparent na materyal bilang bubong para natural na liwanag mula sa kalangitan ang papasok sa bahay. Huwag maglalagay ng skylight na bubong sa tapat ng lutuan. Nawawalan ng good energy ang pagkaing niluluto. Lalong huwag gagamit ng skylight sa tapat ng higaan. Hindi magiging komportable ang mahihiga doon at magkakaroon siya ng pakiramdam na may nakatingin sa kanya habang natutulog.