^

Para Malibang

‘Nipple problems’ (1)

MAINGAT KA BA? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Natalakay na natin ang tungkol sa inverted nipple na karaniwang problema sa nipples. Susunod nating pag-uusapan ang iba pang problema sa nipples at unahin natin ang nipple discharge. Harmless naman ang nipples discharge at hindi naman ito nangangahulugang may problema. Sa katunayan, maaaring palabasin ang discharge mula sa nipples lalo na kung may anak na. Ang discharge ay maaaring maging kulay puti, yellow-green o minsan ay halos kulay itim na.

Gayunpaman, ang nipple discharge ay maaaring sintomas ng breast cancer lalo na kung may bahid ito ng dugo. Kung magkakagayon, ipinapayong mag­patingin agad sa doctor lalo na kung ikaw ay lalaki dahil ang karaniwang ang dahilan ng dis­chage ay tumour na kailangan ng  treatment. Ma­aaring tingnan ng doctor ang iyong mga gamot dahil may mga gamot na nagiging sanhi ng nipple discharge tulad ng cimetidine (para sa mga problema sa tiyan), oral contraceptives, ilang uri ng antidepressants at iba pang gamot para sa psychological problems at domperidone (para sa pagkahilo). Tatanungin ka rin ng doctor kung posibleng buntis ka dahil may mga babaeng  nagkakaroon na ng nipple discharge sa kaagahan ng kanilang pagbubuntis. Susuriin ng doctor ang iyong buong breast hindi lang ang nipple para malaman kung may bukol. Kahit wala namang dugo, maaaring humingi ang doctor ng sample ng discharge para masuri.

vuukle comment

DISCHARGE

DOCTOR

GAYUNPAMAN

KAHIT

KUNG

NATALAKAY

NIPPLE

SUSUNOD

SUSURIIN

TATANUNGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with