Anong dapat kainin para sa malusog na balat? (2)

2 Polyphenol

Makailang uli na nating napag-usapan ang tungkol sa kainaman ng nutrients na ito sa katawan kung saan pinakamahalagang maituturing ay ang antioxidant property at inflammatory effects na tumutulong para maprotektahan ang katawan laban sa free radicals. Sinasabing galing sa polyphenol ang pangunahing pinagkukunan ng depensa ng katawan laban sa ultraviolet radiation.

Sa mga makabagong pag-aaral, lumalabas din na ang diet na mayaman sa nasabing nutrients ay natutulungan ang katawan laban sa panganib ng cancers, cardiovascular disease, diabetes at iba pang life threatening disease.

Mayaman ang pomegranates, cranberries, bluberries at green tea sa polyphenol.

3 Carotenoid

Binansagan itong ultimate multitasker, dahil sa kakayahang maprotektahan ang balat sa iba’t ibang bahagi laban sa pagkasira. Kaya mahalaga na ma-monitor ng maigi ang diet. Mayaman sa nutrients na ito ang goji berries, kamatis, watermelon at pink grapefruit.

4 Lycopene

Kung pinapatid ng carotenoid ang panganib ng ilang cancer, kasama na ang skin cancer. Luma­labas naman sa mga makabagong pag-aaral na ang lycopene na may kasamang carotenoids ay nakakatulong para mabawasan ang sunburn at pinsala sa balat dulot ng UV rays. Mapagkukunin ng lycopene ang mga produktong gawa sa kamatis, prutas na watermelon, bayabas at pink grapefruit.

5 Coenzyme Q10

Inilalarawan naman bilang shield laban sa free-radical damage ang coenzyme Q10. Dahil pinipi­gilan nito ang paninira sa cells. Para makuha ang proteksiyong ito, ugaliin ang pagkain ng spinach, mga mani, wheat germ at whole grains. ( Itutuloy)

 

Show comments