^

Para Malibang

‘Cystitis’ sa mga lalaki

MAINGAT KA BA? - Miss S - Pang-masa

Natalakay na natin ang cystitis sa mga babae. Nga­yon ay talakayin naman natin ang cystitis sa mga lalaki. Pareho lang ito sa mga babae na namamaga sa pantog na karaniwang sanhi ng urinary tract infection. Maaa­ring hindi magkaroon ng sintomas, ngunit puwedeng makaramdam ng sakit kapag umiihi o puwedeng madalas kang naiihi, ayon sa embarrassing problems.com Hindi karaniwan sa mga kabataang lalaki ang cystitis. Puwedeng  may problema sa urinary system kung saan nagkakaroon ng germs. Maaaring ang abnormalidad ay ang parang supot na nakadikit sa pantog ng mga lala­king nag-iisip na mayroon silang cystitis sa tuwing may

nararamdamang masakit kapag umiihi, ngunit maaa­ring ang dahilan nito ay inflamation sa urethra (ang tubo mula sa pantog patungong penis hole)
na tinatawag na urethritis na karaniwang sanhi ng infection. Ang mga may edad na lalaki na nasa 50 pataas ang madalas na dapuan ng cystitis. Ito’y dahil ang prostate glands ay karaniwang lumalaki sa middle age. Kapag lumalaki ang prostate, hindi na maayos ang pagre-release ng ihi ng pantog kaya madaling kapitan ng bacteria ang
hindi nailalabas na ihi. Mungkahi ng  embarassingproblems.com na dapat magpatingin sa doctor kung masakit ang pag-ihi upang masuri ang sanhi nito. Maaa­ring sanhi ito ng infection kung hindi man cystitis. Kung may urinary infection,
kailangang mabigyan ng tamang treatment. Kung bumalik ang infection, kailangan ng mas masusing pagsusuri sa urinary system.

CYSTITIS

KAPAG

MAAA

MAAARING

MUNGKAHI

NATALAKAY

PAREHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with