Hindi na ‘virgin’

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa alyas Zenia, 25 years old at limang buwan nang kasal sa aking asawa. Sa ngayon po ay dalawang buwan na akong buntis. Sa first night namin ng asawa ko, napansin agad niya na hindi na ako virgin. Hindi man niya agad sinabi ng deretsahan, alam kong nagkaroon siya ng pagdududa. Naglihim kasi ako sa kanya na nagkaroon ako dati ng bf na siyang nakauna sa akin. Sa loob ng isang taon naming magkasintahan ng husband ko, hindi niya ako ginalaw. Talagang inireserba niya ito sa araw na kami ay kasal na. Nagi-guilty ako ngayon. Mula noon ay naging matamlay siya at isang araw, kinausap niya ako. Sabi niya, mauunawaan naman daw niya kung mayroon na akong karanasan sa ibang lalaki. Pero nagkaila ako sa kanya. Ang sabi ko ahtlete ako sa school noon kaya marahil nawala ang virginity ko. Hanggang ngayon matamlay siya pero hindi naman nawawala ang pagiging mapagmahal niya sa akin. Dapat ko bang panatilihin ang paglilihim ko sa kanya?

Dear Zenia,

Tandaan mo na ang pagsasabi nang tapat ay pagsasama ng maluwag. Tiniyak na niya sa iyo na maiintindihan ka niya kahit pa may karanasan ka na sa ibang lalaki, kaya bakit hindi mo pa sabihin ang totoo para mapanatag ang kanyang kalooban. Hindi magandang habambuhay kang magkukunwari. Makakaapekto iyan sa inyong pagsasama at baka mistulang bulkan na sasabog pagdating ng araw.

Show comments