May oras na kailangan mong iwan ang isang taong naging bahagi ng iyong buhay. Kaya lang, minsan nagkakaroon ka ng problema sa iyong sarili dahil hindi mo ito magawa. Paano mo nga ba malalaman na dapat mo ng iwanan ang isang tao? Narito ang ilang paraan:
Mga bagay na hindi pinagkakasunduan - Patuloy ba na dumarami ang mga bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan? Malaki man o maliit na bagay ito kung ito ang nagiging dahilan ng inyong pag-aaway at hindi ninyo kapwa kayang i-give up, maaaring indikasyon ito na kailangan mo ng lumayo.
Kung wala ng tiwala – Nakikita mo ba ang iyong sarili na palaging nag-iisip kung ano ang kanyang ginagawa sa oras na hindi ka niya kasama? Nagagalit ka ba kapag nababalitaan mong lumalabas siya kasama ang mga taong hindi mo naman kilala? Ito ay palatandaan na hindi mo na siya kayang pagtiwalaan kaya dapat ka ng magpaalam sa kanya.
May bisyo ba siya?- Kahit gaano pa siya kaganda o kaguwapo at kalambing, kung mayroon naman siyang anumang uri ng addiction gaya ng drug, sex, love addiction, mas lalo ka na dapat na tumakbo papalayo sa kanya dahil tiyak na masasaktan ka lang sa bandang huli.
Give and take – Ang pagkakaroon ng pagbibigayan sa relasyon ay mahalaga. Kaya naman dapat ay palagi ninyong pinag-uusapan ang mga bagay na kapwa mabibigyan ng atensiyon ang inyong mga pangangailangan at pahalagahan ito.
Respeto – Kung hindi na ninyo kayang respetuhin ang isa’t isa, dapat lang na magpaalam na.