Gayunman, may hindi iilan na nakikita ang kanilang mas malaking pagkakatugma sa isa sa mga nasabing categories.
Ectomorphs- ay mga maninipis na indibiduwal na mailalarawan sa pagkakaroon ng maliit na bone structures at maninipis na limbs. Isipin dito ang isang tipikal na atleta. Ang profile na ito ayon sa mga expert ay nauugnay sa pagkakaroon ng mabilis na metabolic rate at mataas ang acrbohydrate tolerance. Ang grupong ito ay sinasabing mas kondisyon sa pagkakaroon ng malaking pagkonsumo ng carbohydrates sa kanilang diet, kasama ng bahagyang dami ng protein at mababang fat intake. Sinasabi sa www.precisionnutrition.com, ang nutrient distribution para sa ganitong body type ay may 55 % ng carbohydrates, 30 % protein at 15% ng fat.