T i p s k u n g m a y s i n u s h e a d a c h e s

Acupuncture

Maraming mga kaso kung saan hindi iilan ang nagpatotoo sa tulong ng pagpapasailalim sa proseso ng acupuncture para guminhawa ang kanilang pakiramdam. Ang technique na napapaloob dito ay ang paglalagay ng maliit, manipis na karayom sa iba’t ibang points ng katawan para mawala ang pananakit. Sinasabing nakakatulong para maiayos ang energetic imbalances ng katawan, na sanhi ng congestion at pamamaga sa mucus membrane na karaniwang nauuwi sa sinus headaches.

Surgery

Kung sa pagkakataon na ang kasong kinasasangkutan mo sa pagkakaroon ng sinus headache ay dulot na ng chronic sinusitis, na kadalasang hindi na nagre-respond sa gamutan, maaaring irekomenda ng iyong doctor ang pagpapasailalim sa endoscopes sinus surgery, na isinasagawa para matanggal ang bone spur o polyps. May mga kaso na ang sinus opening ay kailangan na mai-enlarge. Sumangguni sa inyong pinagkakatiwalaang doctor para sa ibayong kaalaman tungkol dito.

Show comments