Wedding Fengshui Tips Last part

• Doon sa panghihiram ng gamit para sa…”something borrowed, something blue, something old, something new”, ang taong hihiraman mo ng gamit ay dapat na happily married para mahawahan ka ng kanyang suwerte sa pag-aasawa.

• Ang bilog na mesa sa reception ay mabuting magpakalma sa mga taong maiingay o mahilig maki­pagtalo. Ang square na mesa ay lalong makakapagpainit ng ulo ng tao. Kaya kung maaari ay bilog na mesa ang piliin.

• Upang magkaroon ng masayang reception, maglagay ng rose quartz (nakalagay sa box) sa bandang kanan ng reception hall. Gumamit din ng scented candle o essential oil diffuser para bumango ang buong reception hall.

 • Gumamit ang bride ng anumang accessories na kumikinang.  Kapag natamaan ng liwanag ang suot na alahas (fake or real), magdudulot ito ng positive energy sa nagsusuot.

Show comments