Tips kung may sinus headaches (2)

Herbs

Kung herbs naman o mga halamang gamot ang pag-tutuunan para malabanan ng sinus headache, inirerekomenda ng mga health care expert ang pakinabang sa paggamit ng eucalyptus, na ginagamit bilang expectorant para makakawala sa mucus at para guminhawa sa pagdanas ng flu o cold congestion na karaniwang nauuwi sa sinus headaches.

Ang Sinupret naman ay kumokontra sa mga sintomas dulot ng sinusitis, sa pamamagitan ng pagpapanipis ng mucus at nililinis ang sinus, na mabisang paraan naman para makaiwas sa pag-develop ng sinus headaches.

May tinatawag na essential oil monoterpenes, na pawang pinaghalu-halong essential oils gaya ng eucalyptus, katas ng pine at citrus oil, na nakakatulong para humupa ang pakiramdam sa pagdanas ng respiratory illnesses, gaya ng sinusitis, na pinagsisimulan naman ng sinus headache.

Ang iba pang herb na nagtataglay ng properties na makakatulong laban sa sinus headaches ay ang feverfew, devil’s claw, willow bark at Chinese skullcap. (Itutuloy)

 

Show comments