Alam n’yo ba na mayroong iba’t ibang pamahiin tungkol sa kasal ang iba’t-ibang bansa? Gaya sa Egypt, kinukurot nila ang bride sa araw ng kasal nito para suwertehin. Sa Jerusalem naman kinakailangan na ang lalaki ay nakatayo sa kanang bahagi ng altar at ang bride ay sa kaliwa. Simbolo ito na kinakailangan na hawakan ng lalaki ang kanyang bride sa kaliwang kamay upang gamitin naman ang kanyang kanang kamay para sa paghawak ng espada para labanan ang sinumang mangangahas na umagaw sa kanyang bride.