Kung masaya ang puso...

Halos lahat ng mga sakit na maaaring dumapo sa isang tao nga yon ay may kaugnayan sa kondisyon ng puso. Kaya naniniwala ang maraming health care expert, na ang pagkakaroon ng masayang puso, hindi lang ngayong Valentines day ay mainam para kalusugan.

Para maging masaya ang puso, dapat maging masaya ang isang tao taglay ito. At ang pagiging masayahin ay nagsisimula sa pagkakaroon ng positive mind set at pagkakaroon ng positive changes sa buhay.

Magpokus lamang sa mga positibong bagay.

Dahil kung ano ang pinagkakaabalahan ay nakakaapekto sa damdamin. Kung inaakala na mga bata lamang ang naapektuhan ng kanilang mga napapanood at napapakinggan, mag-isip uli.

Dahil ang katotohanan, maging ang sa mga adult ay may epekto ito.

Kaya makabubuti na iwasan ang mga palabas o mga napapakinggan na maaaa ring pagmulan ng negatibong emosyon.(Itutuloy)

 

Show comments