Lampong(118)

INAAMIN ni Dick, may nabuhay na pagnanasa sa kanya nang makita ang kahubaran ni Jinky. Lalaki siya at matikas. At ngayong nagtatalo ang isip niya kung susundan pa ba sina Jinky at ang lalaki, hindi siya makapagpasya. May nag-uulol sa kanyang “harapan”. May nagbubulong din na sundan ang dalawa para makita ang gagawin. Nahamon siya sa mga ipinakitang kalaswaan at kalandian ni Jinky.

Sinunod niya ang utos ng kanyang isip. Tinungo niya ang unit. Ngayong alam na niya ang pasikut-sikot sa unit ni Puri ay madali na niyang makikita kung saan naghahamok ang dalawa. Pero malakas ang kutob niya na sa sopa malapit sa kitchen sila maghahamok nang walang patumangga.

Narating niya ang pinto. Hindi siya lumilikha ng ingay. Hinawakan niya ang pinto na noon ay hindi nakaawang. Pinihit niya ang seradura. Matigas. Ginalaw-galaw niya. Sarado!

Hinayang na hinayang si Dick. Kung kailan kabisado na niya kung saan “maghahamok” ang dalawa ay saka naman isinara. Hindi kaya natunugan ni Jinky ang balak niya? Pero imposible dahil hindi naman siya nakita ni Jinky kanina.

Hinawakan at pinihit-pihit muli ni Dick ang seradura. Sarado talaga!

Walang nagawa si Dick kundi umalis at magbalik sa kanyang apartment. Sayang talaga! Pero mayroon pa namang bukas. Iinspek­siyunin uli niya ang unit ni Puri. At malay niya, baka nag-iisa na si Jinky. At anong malay niya kung maligo muli ito at ipaabot ang sachet ng shampoo.

Papatulan na kaya niya?

Bahala na bukas.

Pero hindi na nagawang inspeksiyunin ni Dick ang unit sapagkat dumating na si Puri mula sa dinaluhang seminar.

Okey lang kay Dick kung hindi na niya maki­kita ang kahubaran ni Jinky. Narito na naman si Puri.

Nag-text sa kanya si Puri at sinasabing duma­ting na siya. Pinapupunta siya sa unit nito.

Nagtungo agad doon si Dick.

Miss na miss niya si Puri. Hinalikan niya. Nasa aktong hinahalikan niya si Puri nang lumabas si Jinky sa kuwarto nito.

(Itutuloy)

 

Show comments