^

Para Malibang

‘Myths’ at ‘Facts’ sa constipation (4)

HEALTH CORNER - Pang-masa

Fact: Nakapagdudulot ng constipation ang pagbabakasyon

Ang pagbibiyahe ay nakapagpapabago sa arawang routine at diet, na ayon sa mga expert ay nakapagdudulot ng constipation. Iwasan ang dehydration-related constipation gaya ng pag-inom ng tubig, lalo na kung ang pagta-travel ay sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplano. Makakatulong para dito ang paggagalaw-galaw, halimbawa habang naghihintay sa eroplano ay maglakad-lakad o kaya’y kapag nagmamaneho, huminto muna. Iba pang travel tips: sikapin na makapag-exercise, limitahan ang pagkonsumo ng alcohol at kumain ng mga prutas at gulay.

Fact: Nakakaapekto ang mood sa regularity ng pagdumi

Ayon sa mga expert, nakapagti-trigger ng constipation ang depression o maaaring mas malala pa rito. Makakatulong ang pagme-meditate para mabawasan ang stress, pagyo-yoga, biofeedback at relaxation techniques. Gayun din ang acupressure o shiatsu massage. Ang pagmamasahe ng sikmura ay makakatulong para ma-relax ang muscles at masuportahan ang intestine at maikondisyon ang regular na  pagdumi.

Fact: Maaaring magdulot ng constipation ang isinasagawang medikasyon

May ilang medikasyon gaya ng para sa sakit, depression, high blood pressure at Parkinson’s disease ay iniuugnay sa constipation. Ang sobrang calcium at iron ay maaari rin makapagdulot ng constipation. Ang calcium supplements, lalo na kung iniinom ito kasama ng iba pang supplement o medikasyon ay maaaring makaapekto sa pagdumi, makapagdudulot din ito ng problema. (Itutuloy)

 

vuukle comment

AYON

CONSTIPATION

GAYUN

ITUTULOY

IWASAN

MAAARING

MAKAKATULONG

NAKAKAAPEKTO

NAKAPAGDUDULOT

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with