Ang sun poisoning at paano ito nangyayari?

Malaking tulong sa katawan ang Vitamin D na nakukuha ng katawan sa pagpapa-araw. Dahil inaalalayan nito ang pagmimintena ng mga organs na hindi makapag-absorb at mapunta sa dugo ang calcium at phosphorus. Bukod dito tumutulong din ito para mapaunlad ang anti-tumor chemicals sa katawan.

Pero kung ang pananatili sa ilalim ng araw ay hindi sasamahan ng pag-iingat, maaari ito magdulot ng paglason o ang tinatawag na sun poisoning. Dulot ng poisonous rays, magsusulputan ng poisonous rashes dahil sa over exposure sa anumang ultra violet (UV) rays o iba pang chemicals na humahalo sa init ng araw.  Kung inaakala mong pareho lamang ang sitwasyon ng sun burn sa sun poisoning, nagkakamali ka. Dahil ayon sa mga health care expert, sintomas gaya
ng pangangati, pamumula ng balat at pagbabalat nito ang parehong maoobserbahan sa nasabing dalawang kondisyon dulot ng pagbibilad sa arawan.  Pero ang kaibahan nito sa bawat isa ay ang tama sa balat. Dahil mas malalim ang epektong dulot ng sun poisoning kung ikukumpara sa sun burn. Bukod sa nasabing mga sintomas, maaari rin dumanas ng pagkahilo, lagnat, electrolyte imbalance o kaya’y dehydration.  Para makaiwas sa sun poisoning, ipinapayo ng mga expert na limitahan ang sarili sa pagbibilad sa araw. Ayon sa Medical News Today website, inirerekomenta ang mula 10 hanggang 15 minuto lamang na pagbibilad kada araw, sa loob ng 2 linggo para matamo ang mapapakinabangang Vitamin D. 

Kaya kung alam mong higit pa sa 15 minuto kang mabibilad, kailangan na maging maagap na magpahid ng sun block para maprotektahan ang sarili poisonous effect ng araw sa balat.  (Itutuloy)

Show comments