Ang baby sa backpack

Panaginip: Buntis po ako ngayon. Ang problema ay hindi pa kami kasal ng aking boyfriend. Conservative ang parents ko. Next month ay kailangang umuwi ako sa aming probinsiya dahil golden wedding anniversary ng parents ko at may malaking celebration. Sa panaginip, umuwi ako sa probinsiya. Ang aking baby ay isinilid ko sa aking backpack pero hindi ko namalayan ay namatay ito dulot ng kawalan ng hangin.---Horse/Aquarius’90

Interpretation: Ang backpack ay representasyon ng mga bagay na hindi mo gustong ibulgar kahit kanino. Ang namatay na baby ay nagpapahayag na masama ang magiging bunga ng iyong paglilihim. Sa ganang akin, sabihin mo na ang katotohanan sa iyong magulang.

Show comments