^

Pang Movies

Wilbert, maraming dinaanan

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Wilbert, maraming dinaanan
Wilbert

Hanga kami sa pagi­ging grounded ng popular singer-songwriter, dancer, actor, director, producer and entrepreneur na si Wilbert Ross.  

Sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay ngayon ay nanatili siyang humble at thankful sa patuloy na blessings na dumarating sa kanyang buhay.

Hindi naging madali para sa singer-actor-dancer ang kanyang pag-akyat sa ladder ng tagumpay kung kanyang babalikan ang kanyang journey 10 years ago. Nineteen years old pa lamang si Wilbert nang magdesisyon siyang makipagsapalaran sa Maynila mula sa kanyang lugar sa Davao del Sur.

Ang kanyang first two attempts sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime at sa Pinoy BoyBand Superstar ay parehong hindi siya pinalad, enough for him na mawalan ng pag-asa. Pero nanaig ang kanyang determinasyon na mag-succeed sa karerang kanyang papasukin anuman ang mangyari.

Nang magbukas ang audition para sa all-male dance group ng It’s Showtime, para sa Hashtags, muling nag-audition si Wilbert at sinuwerte siyang matanggap at naging regular performer ang grupo sa top-rating noontime show, ang It’s Showtime, kung saan din siya napalapit sa hosts ng programa lalung-lalo na kay Vice Ganda, ang kanyang unang mentor sa showbiz.

Dahil sa exposure ng Hashtags sa It’s Showtime, unti-unti silang nakilala at nabigyan ng break sa acting maging sa larangan ng musika na siya niyang first love.

Unti-unti nang nagkakapangalan si Wilbert nang magdesisyon siyang lumagda ng exclusive management contract with Viva Artists Agency nung 2020, panahon ng pandemic.

WILBERT ROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with