^

Pang Movies

Dennis at Ruru, sumabak sa dirty boxing

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Dennis at Ruru, sumabak sa dirty boxing
Dennis Trillo

Muling magsasama sina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa upcoming GMA Prime series na Hari ng Tondo.

Nagkatrabaho na sila sa award-winning Metro Manila Film Festival movie na Green Bones noong 2024.

Bilang paghahanda sa proyekto, sumalang si Ruru sa immersion para mas maintindihan at magampanan niya nang mabuti ang kanyang karakter na lumaki at nakatira sa Tondo.

Ipapamalas din nina Ruru at Dennis sa naturang serye ang Pinoy Martial Arts na Panantukan.

“‘Yung Panantukan is dirty boxing, so sabi ko parang swak na swak ‘to sa Tondo. Ever since then talagang todo ensayo. Hanggang kahit nasa Spain ako, takbo ako nang takbo,” sey ni Ruru.

Amy, ‘di pa limot si Direk Malou

Kahit na tatlong pelikula lang ang pinagsamahan nila, sobrang nami-miss ng premyadong veteran actress na Amy Austria ang direktor na si Marilou Diaz-Abaya na pumanaw noong 2012 dahil sa breast cancer.

Sa screening ng digitally restored film ni Direk Marilou na Muro-ami, binalikan ni Amy ang hindi niya malilimutan na samahan nila ni Direk Marilou sa pelikulang Brutal noong 1980.

 “Para ko siyang nanay. Lagi ‘yang nakabantay sa akin at parating may paalala. Dahil first time na­ming magtrabaho sa Brutal noon, nandun agad ‘yung respeto mo sa kanya bilang tao. Delikado ang tema noon ng Brutal kaya gusto niyang malaman kung okey ba ako sa mga eksena? Nandoon parati ang concern niya bilang nanay,” pagbalik-tanaw ni Amy.

Nanalo si Amy ng dalawang best actress awards para sa Brutal mula sa Metro Manila Film Festival at FAMAS.

After 19 years ay muling nakatrabaho ni Amy si Direk Marilou sa Muro-ami. Huli namang pelikula ginawa nila ay ang Bagong Buwan noong 2001.

Wedding of the year, inaabangan ng Swifties

Inaabangan ng Swifties ang magiging “wedding of the year” nina Taylor Swift and Travis Kelce na magaganap on July 3 in New York City.

Huwag raw sanang maging issue sa dalawa ang kanilang prenuptial agreement.

Report ng Page Six: “Taylor is the richest female musician in the world and is worth $2 billion. Travis is worth an estimated $70 million to $90 million. It is almost certain that Taylor and Travis will have a prenup before their big day. They both have a number of different properties, houses across the country worth millions and millions of dollars. Where you choose to have the prenup done is almost as important as what is actually in the prenuptial agreement.”

Normal nga raw sa high-profile individuals na magkaroon ng ironclad prenup. In the case of Taylor and Travis, may “strict confidentiality provisions” ang prenup to protect their privacy in case their marriage does not work out.

Ang prenup ay hinahanda at pinipirmahan a few weeks or a month before the wedding.

 

DENNIS TRILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with