Sofia, laya na!

Ang bongga ni Sofia Pablo na talagang kapana-panabik ang pagtatapos ng kanyang GMA Afternoon Prime series na Prinsesa ng City Jail.
Opisyal na raw itong ipinakilala na gumaganap bilang Princess bilang isang tunay na Cristobal at masayang nagbabalik sa piling ng kanyang mga magulang na ginagampanan nina Dominic Ochoa at Beauty Gonzalez.
Kasabay niyan, buong puso rin nilang pinatawad at tinanggap si Libby na karakter nung Lauren King, sa kabila ng kanyang mga pagkakamali sa nakaraan.
Pero hindi pa raw nagtatapos doon ang plot twist dahil nagpaplano na raw ng paghihiganti ang karakter ni Denise Laurel na si Divina laban kina Sofia at mga mahal nito sa buhay at damay rin daw pati ang karakter ni Allen Ansay na si Xavier.
At nilinlang niya si Libby para imbitahin ang mga ito sa isang seminar tungkol sa pagbabago at pagkakasundo.
Sa araw ng seminar, tuloy ang masasamang plano ni Divina at biglang magkakagulo sa loob ng piitan.
Kaya talagang tutok na tutok ang mga manonood dahil exciting daw talaga.
Inaabangan nila kung makakaligtas daw kaya sila Sofia.
‘Kaloka.
- Latest