Anne, nakakainggit!

Ang bongga naman ni Anne Curtis na nakausap ang Korean star na si Park Bo-gum.
Kabilang nga si Anne sa mga celebrity na lumakad sa blue carpet ng drama series ni Park na Good Boy sa Bangkok, Thailand .
Bongga.
Siyempre favorite ko rin si Park Bo-gum pero ‘yun nga hindi naman ako naiimbita sa ganyan noh.
Bukod sa matander na me, siyempre hindi na kaya talaga ng katawan ko.
Gustuhin ko mang dumalo sa fan meeting hindi na ako pwede sa ganun, hindi na kaya ng katawang lupa ko.
Ngayon, lagi akong nahihilo as in konting galaw lang, parang hilung-hilo ako.
At pakiramdam ko talaga, minumulto ako ni Jokjok ha.
Imagine, napapanaginipan ko pa siya.
Hindi talaga ako maka-move on kay Jokjok. Hayyy.
Teka saan ba napapanood ang Good Boy, Salve?
Sa Kapamilya Channel ba o sa GMA 7? Siyempre napanood ko lang Showtime kahapon at andun si Anne na bihira nang lumabas sa nasabing noontime show na napapanood sa GMA 7.
Bongga ‘di ba. Hindi na lang si Anne basta host at artista, parang reporter na rin siya na nag-iinterview ng mga celebrity.
Inggit me. Hahaha.
- Latest