^

Pang Movies

Ejay at Marco, malas sa pulitika

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ejay at Marco, malas sa pulitika
Ejay

Maaga namang tinanggap ni Ejay Falcon ang kanyang pagkatalo sa katatapos lamang na eleksyon kung saan ay tumakbo siyang Congressman sa 2nd District ng Oriental Mindoro.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw, ipinahayag ng aktor na tinatanggap at inirerespeto niya ang naging desisyon ng kanyang mga kababayan.

“Nag desisyon na po ang Oriental Mindoreños, hindi man po pumabor sa inyong lingkod ang naging resulta pero masaya po ako na ibinigay po natin ang lahat ng ating makakaya para ipakita ang malinis nating intensyon na malingkod sa ating lalawigan,” ani Ejay.

“Iginagalang po natin at mapagkumbabang tinatanggap po ang desisyon na ito ng mamamayan,” patuloy niya.

Sa ngayon ay babalik na raw siya bilang isang pribadong mamamayan subalit patuloy pa rin siyang tutulong at maglilingkod sa bayan.

“Umasa po kayo na hindi po natatapos ang serbisyo ni Ejay Falcon bilang lingkod bayan. Babalik po tayo bilang pribadong mamamayan pero andun pa rin ang ating pagtulong para sa interes ng ating mamamayan,” aniya.

“Gusto ko rin pong ipaabot kay Congressman Boy PA Umali ang aking pagbati. Congratulations po! Nawa po ang pagkapanalo nyo’y magbigay ng mas maalab na inspirasyon para lalong tulungan hindi lamang po ang mga taong sumuporta sa inyo kundi ang buong mindoreños ng segunda distrito,” ang mensahe naman ng aktor sa kanyang nakatunggali.

“Sa lahat ng aking mga kaibigan, taga suporta, sa mga leaders at sa mga taong hindi natakot o nagdalawang isip na tumulong sa akin, kulang po ang salitang salamat. Di ko po kayo makakalimutan,” ang pagtatapos ni Ejay.

Isa rin sa mga hindi pinalad na magwagi sa katatapos lang na halalan ay ang aktor na si Marco Gumabao na tumakbo namang Congressman ng 4th District ng Camarines Sur.

Sa kanyang Instagram account bandang tanghali kahapon ay ipinahayag din niyang tanggap niya ang pagkatalo at nagpasalamat sa lahat ng kanyang supporters.

“Maraming, maraming salamat po. 

“Sa bawat nakipagkamay, nakipag­kwentuhan, at nagbukas ng puso’t tahanan sa amin nitong nakaraang mga buwan—taos-puso po ang aking pasasalamat

“Hindi man ito ang resulta na aming hinangad, alam kong ibinigay natin ang lahat, at buong puso tayong lumaban.

“Sa lahat ng bumoto, sumuporta, tumulong, at naniwala—salamat po sa pagtanggap sa amin, sa inyong tiwala, at sa pagmamahal na ipinakita ninyo sa bawat sulok ng Partido,” pahayag ni Marco.

“Isang malaking tagumpay na kayo ay aming nakilala. Ang dami kong natutunan at nadama, at hinding-hindi ko po makakalimutan ang bawat kwento at pangarap na ibinahagi ninyo sa akin.”

Sa huli ay nagbigay rin ng mensahe ang aktor na hindi pa ito ang huli dahil patuloy pa rin siyang tutulong sa mga kababayan.

“At para sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng laban na ito—hindi ito ang katapusan. Nandito lang ako. Hindi ko kayo iiwanan.

“Ang serbisyo at malasakit, hindi lang nasusukat sa puwesto. Magkikita pa rin tayo, at magtutulungan pa rin tayo—dahil ang tunay na laban ay para sa inyo. Maraming salamat, Partido,” saad ni Marco.

EJAY FALCON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with