^

Pang Movies

Jennica, naghahanap ng sponsor?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jennica, naghahanap ng sponsor?!
Jennica Garcia

‘Kaloka naman na na-bash pa raw si Jennica Garcia dahil lang nagtanong siya sa social media kung sino ang may kilalang gumagawa ng soundproof para sa kwarto niya.

Nanggagaling daw kasi ang ingay sa bintana ng kwarto niya.

Nakatira pa naman daw siya along EDSA kaya rinig lahat ng ingay gaya ng busina ng mga sasakyan, ambulansya, mabibilis na mga sasakyan ng alas-tres ng madaling araw kaya nagigising siya sa gitna ng tulog niya.

Akala nga raw niya ay masasanay rin siya dahil hindi naman daw apektado ang kwarto ng mga anak niya pero hindi raw ganon ang nangyari ngayong naka-tatlong buwan na mula nang lumipat sila.

Ni hindi rin daw nakakatulong ang ear plugs. ‘Kaloka na may nagkomento na naghahanap lang daw ito ng ex-deal o sponsor.

Wala namang masama kung may mag-sponsor sa kanya dahil artista siya at makakatulong naman iyon sa negosyo no’n.

Tama lang naman ang ginawa ni Jennica dahil mas maigi nang tried and tested na ang maha-hire niya.

May mga nagsabi pa raw kasi na bakit hindi raw muna nito chineck bago lumipat. Dinepensahan naman ito ng mga follower niya na naka-relate sa kanya na ‘di naman talaga agad malalaman kung hindi titira roon.

Nakakaloka talaga ang mga basher na laging may opinion.

JENNICA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with