^

Pang Movies

Cassy, mas ‘boto’ kay Ashley

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Cassy, mas �boto� kay Ashley
Cassy at Ashley

Hindi naiwasan ng netizens na pagkumparahin ang relasyon nina Cassy Legaspi at GF ngayon ng twin brother niyang si Mavy Legaspi sa naging relasyon nila ng ex ng kapatid na si Kyline Alcantara.

Parang mas close raw si Cassy sa current GF ng kapatid na si Ashley Ortega kesa ex nito.

Ang naging batayan ng netizen ay ang photo post ni Ashley na magkasama sila sa isang parlor. Never daw nila nakitang nag-bonding sina Cassy at Kyline, lalo na ang magsabay pumunta ng parlor.

Naalala pa ngang in-unfollow ni Cassy si Kyline sa Instagram, pero hindi na nito sinabi kung bakit. Hindi na rin ito sinagot ni Kyline ang tungkol dito.

Anyway, mas dumami ang fans ni Ashley nang maging part ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at kahit Kapamilya fans, nagustuhan siya.

Kasama ang bagong fans ni Ashley sa nananawagan sa GMA na bigyan ng lead role ang aktres at ‘wag daw sayangin ang pagiging popular niya ngayon.

Sa ngayon ay maggi-guest muna siya sa Lolong: Pangil ng Maynila at nag-taping na siya.

Dominic at Sue, seryoso na ang relasyon

Ipinakilala na ni Dominic Roque sa parents niya ang girlfriend na si Sue Ramirez. Naniniwala ang fans na seryoso na ang relasyon ng dalawa, kaya ang biro nila, magpakasal na sila at gumawa ng pamilya.

Kaya lang, naalala ng netizens na ipinakilala rin ni Dominic si Bea Alonzo sa parents niya at na-quote pa nga ang mom niya na gusto niyang magkaroon ng mapuputing mga apo.

Maputi rin si Sue at nakakasiguro ang mom ni Dominic na kapag sila ang magkatuluyan at magkakaanak, mapuputi rin.

Claudia kinaawaan… Dennis, sumuko na sa mga anak

Curious ang netizens kung ano ang ibig sabihin ni Dennis Padilla sa sagot niyang “naawa ako kay Claudia” sa comment ng isang netizen na mukhang mabait si Claudia (Barretto).

Hindi na nag-elaborate si Dennis kung ano ang ibig tukuyin, kaya siya ang binalikan ng netizens na mas pabor sa mga Barretto. Kung naaawa raw siya sa mga anak niya, dapat hindi na siya nag-post ng makakasira sa mga anak.

May nagpayo pa kay Dennis na dapat i-private message na lang niya ang mga anak at doon sabihin ang mga hinanakit niya rito. May nagsabi namang magdasal na lang siya.

Sa interview ni Dennis kay Ogie Diaz, sinabi nitong give up na siya sa panunuyo sa mga anak. Ibig sabihin, hindi na siya mag-i-effort na makausap at makita pa ang mga ito. Ang sabi pa nito, baka next time na makita siya ng mga anak kay Marjorie ay nasa kabaong na siya.

CASSY LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->