Claudine, nagbanta sa mananakit kay Julia!

Bongga raw si Claudine Barretto na nag-post ng pagbabanta sa mananakit sa kanyang mga pamangkin.
Kahit hindi raw siya ang ina pero siya ang auntie. Lagi raw niyang proprotektahan ang mga pamangkin niya dahil babies din daw niya ang mga ito.
Kaya pagbabanta niya, kapag sinaktan daw ang mga ito ay mas sasaktan daw niya ang mananakit.
Ano kaya ang pinaglalaban ni Claudine?
Mukhang may konek daw ito sa nangyari kamakailan sa pamangkin niyang si Julia Barretto kung saan tinawag siyang selfish at entitled ng turista dahil sa pagpapasara ng tourist spots sa Camiguin.
Naku huwag nilang susubukan si Claudine noh.
Pero sana bawas-bawasan din niya ang pakikipag-away para hindi siya i-nega ng mga tagahanga niya.
Well, iba rin kasi siyang magmahal at hindi talaga siya masisisi kung ipagtanggol niya ang mga pamangkin na totoo namang close sa kanya kahit noong bata pa.
Sana ay gawin niyang prioridad ang kanyang mental health para hindi rin siya magkasakit.
‘Kaloka.
- Latest