^

Pang Movies

KimPau, umamin na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
KimPau, umamin na!
Paulo Avelino at Kim Chiu.
STAR/ File

Kilig to the max ang KimPau fans sa mga sagot nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang latest interview.

Sa panayam ni MJ Felipe sa dalawa na mapapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN News, bagama’t wala silang direktang pahayag na sila na, nahuhuli naman sa mga sagot nila ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa.

Like nang punahin ni MJ kung paano sila manamit na parang pang-couple na talaga dahil laging same color plus sinuot pa raw ni Kim ang jacket ni Paulo sa dinner sa Los Angeles.

Paliwanag ni Kim, “kasi, sobrang lamig talaga. Tambay nga kami du’n sa heater, eh.”
Tungkol naman sa pareho ang cap nila nang dumating sila sa airport, paliwanag ng aktres, “Hala! I think, great minds think alike. Hala! Charot lang” sabay-tawa.

Sabi ni MJ, “baka dyowa coded na.”

Sagot ni Kim, “ay grabe naman! Ipagno-novena ko ‘yan. Charot lang, charot lang,” sabay-tawa ulit.

Pati si Paulo ay natawa rin at hindi nakapagsalita.

Nahingan naman ng reaksyon ang aktor, at natatawang nasabi na lang niya, “ewan ko kay Kim. Ba’t mo ‘ko ginagaya?”
Sagot naman ni Kimmy, “ginagaya mo ‘ko.”

Natanong din ang KimPau kung ano ang next project nila after the showing of their film My Love Will Make You Dissapear.

Ayon kay Pau ay nasa stage pa lang daw siya na nagbabasa ng napakaraming script kaya so far ay wala pa.

Biglang sabi ni Pau kay Kim, “siguro, after nito, bakasyon ba tayo?”

Halata namang kinilig ang aktres at napasigaw. “Hala! Na-record mo ba ‘yon?” tanong niya kay MJ.

“Hala!” kinikilig pa rin niyang sey at halatang tuwang-tuwa. “Isasali ko ‘yan sa 9 days novena,” sambit niya.

Natanong naman kung saan sila magbabakasyon at sagot ni Kim, “each other’s side” sabay-tawa na naman na parang kinikilig.

Tinanong sila ulit ni MJ kung saan nila gustong pumunta na magkasama at sagot naman ni Pau, “ako, kahit saan, basta tahimik.”

Sey naman ni Kimmy, “paano ‘pag kasama mo ako, so hindi pala ako makakasama sa ‘yo kasi may sakit ako kung tahimik ako.”

Ryza, masaya sa pagiging kalbo

Kahit natapos na ni Ryza Cenon ang horror film na Lilim, hindi na siya nagpahaba ng buhok at pinanindigan na niya talaga ang kanyang pagiging kalbo.

Matatandaang June of last year pa nagpakalbo ang aktres para sa kanyang role sa pelikula kaya marami ang nagtataka kung bakit hindi pa rin humahaba ang kanyang hair.

Ayon kay Ryza, sinadya na niyang i-maintain ang pagiging kalbo na in fairness naman talaga ay bagay naman sa kanya.

“Bucket list ko po siya eh,” sey ni Ryza sa interview niya sa vlog ni Karen Davila. “Nu’ng nabuntis po ako, pinangarap ko talaga na sabi ko ‘pag nabuntis ako magpapakalbo ako kasi ‘di ba ‘pag buntis ka nagfa-fall hair ka so okay lang makalbo kasi ganun din, manipis ‘yung part ng buhok mo kasi nga nagfa-falling hair ka.”

Timing naman na nakatanggap siya ng offer para sa Lilim kung saan nga ay kalbo ang kanyang role bilang isa siyang madre rito.

“Nung nag-story con kami and du’n ko po nalaman na lahat po kami kalbo, may isa pong cast na nag-look test po ng bald cap and nakita ko sa kanya, inoobserbahan ko po siya, kung nakakakilos ba siya nang maayos,” kwento niya.

“Nakikita ko po na nahihirapan siyang maglingun-lingon, sabi ko hindi yata ako magiging komportable sa ganun kasi malilimatahan po ‘yung acting ko, ‘yung galaw ko lahat,” dagdag niya.

Dahil matagal na rin naman niya talagang gustong magpakalbo, nagdesisyon na siyang mag-shave ng kanyang hair.

“So parang tinake advantage ko na po ‘yun na okay check na ‘yung bucket list ko plus nakuha ko ‘yung gusto ko para dun sa role,” aniya.

‘Yun nga lang, may mga taong inakalang may cancer siya because of her shaved head.

“Actually, nasabi nga nila parang may sakit daw po ako dahil nga nagpakalbo. Pinakita ko po na hindi ibig sabihin kalbo ka, may sakit ka.

“Natuwa rin po ako kasi ‘yong mga cancer patient po nagme-message sa akin. Nagte-thank sila na parang ‘thank you, na-inspire kami sa ‘yo. Kahit kalbo ka hindi mo ikinahiya,’” aniya.

Sey pa ng aktres, gusto na niya ang kalbo dahil low maintenance ito.

Pero aniya, ang pinaka-importante pa rin daw ay self-acceptance kahit ano pa ang hitsura mo.

“Kailangan i-embrace mo kung ano ‘yung meron ka na hindi lang naman panlabas ‘yung kagandahan kundi panloob din. Kung ano ‘yung personality mo, mas malaking points po ‘yun kaysa sa panlabas,” wika ni Ryza.

KIM CHIU

PAOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->