Tuluyan na ngang iniwan ni Bela Padilla ang apartment niya sa London para manirahang muli sa Pilipinas.
Sa kanyang recent Instagram post ay makikita ang video na nag-aayos na ang aktres ng kanyang mga gamit na inilipat dito sa Pilipinas.
Sa caption ay ipinahayag niya na mami-miss niya ang kanyang bahay sa London.
“I fear the grief that will set in when i miss the woman who lived in this home in London,” ani Bela.
Sinuportahan naman ng netizens at kapwa-celebrities ang kanyang desisyon na magbalik na sa Pinas.
“Trust me when I say you will ALWAYS have her,” komento ni KC Concepcion.
“Momsy,” reaksyon naman ng BFF niyang si Kim Chiu.
Apat na taon ding nanirahan si Bela sa London. Matatandaang umalis siya noong taong 2021 para subukan ang buhay sa nasabing bansa. Hindi naman niya totally kinalimutan ang pag-aartista dahil from time to time ay gumagawa naman siya ng proyekto rito.
Nitong nakaraang January ay inanunsyo ni Bela sa kanyang IG na isinasara na niya ang chapter ng kanyang buhay sa London for a full-time career in the Philippines.
Ruffa, iniyakan nang mag-50!
Hanggang ngayon pala ay marami pa ring offers na natatanggap si Ruffa Gutierrez para sumali sa beauty pageant lalo pa nga’t tinanggal na ang age restrictions sa Miss Universe Philippines and Miss Universe. Pwede na ring sumali ang mga married women and single moms.
Kaya naman kung gugustuhin pang sumali ni Ruffa sa beauty pageants ngayon kahit 50 years old na siya ay pwedeng-pwede pa.
“Alam mo, ang daming offers sa ‘kin through the years na talagang sumali,” sey ni Ruffa sa media launch niya as the new Ambassadress of Luxe Skin, “I think, even during the pandemic, pinapasali nila ako sa mga kung anu-anong beauty pageants.”
Pero anang aktres, mas gusto na lang niyang maging mentor ng mga bagong kandidata.
“Honestly, I’ve been there, done that. I would love to mentor those that are starting in the industry. Those that want to be a beauty queen, I’m here for them if they ask me for advice. The same way Miss Melanie Marquez was there for me during my time. Same with tita Gloria Diaz.
“So, kung may mga you know, beauty queens na aspiring to be international queens, nandito lang ako para tulungan sila and to mentor them as well,” pahayag ng aktres.
Dagdag pa ni Ruffa, “iba na ang gusto kong gawin sa buhay ko. But I hail all the women that want to continue their legacy as being a beauty queen. And ang ganda na ngayon kasi pwede kang all shapes and sizes, you can be a mother. So I embrace that kasi it’s something different and it goes with the times. We have to embrace the times now Pero for me, hindi na ako sasali.”
Sa naturang mediacon ay first time ni-reveal ni Ruffa ang kanyang age sa public. Inamin niya na 50 years old na siya. Kung dati raw ay ayaw niyang sabihin kung ilang taon na siya, ngayon daw ay pwede namang i-Google na kaya hindi na pwedeng itago.
Kwento pa ng aktres, bago raw siya mag-50 last year ay three months daw siyang umiiyak.
“I was feeling anxious. Sabi ko, ‘oh, my God!’ Alam mo, parang three months akong umiiyak at nagpa-flashback lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Na how I wish I was 20 again,” tsika niya.
“And then, when I turned 50, sabi ko, ‘you know what, I’ll just embrace it kasi it’s a blessing. To still be alive, to still be healthy, to still have work at my age,” saad ng former Miss World’s Second Princess.
When she turned 50 ay naiba na rin daw ang lifestyle niya at nagsimula na siyang mag-workout.
“At the beginning of the year, I started working out, I started moving, exercising and I prioritize my health – always naman talaga, pina-priotize ko ‘yung self-love and self-care.
“Pero ngayon talaga, mas dumoble pa ‘yung effort, ‘yung conscious effort ko. To watch what I eat, bawal na masyado mag-meat,” sey ni Ruffa.
At siyempre, love na love raw niya ang juices ng Luxe Slim na kanyang ine-endorse dahil hindi raw siya nagkakaroon ng acidity.