^

Pang Movies

Vic : ‘Malinis ang pakiramdam ko. Wala namang dapat ika-worry’

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — “I take everything in moderation,” sabi ni Bossing Vic Sotto.

At kumakain lang daw siya kung kailangan lang kumain.

Hindi rin daw siya mahilig sa junk food or sweets or maging softdrinks.

Naggo-golf siya, brisk walking around the village.

Pero aminado siyang hindi na niya kayang sabayan ang kanyang maybahay na nagpapapayat, si Pauleen Luna, lalo na sa intense exercise, dahil baka hindi na kaya ng kanyang tuhod.

Kaya naman wala raw siyang maintenance tulad sa mga kasama niya sa Eat Bulaga “si Tito, si Allak K,” birong banggit niya sa pangalan ng dalawang co-host sa noontime show na napapanood sa TV5 sa ginanap na media launching bilang pinakabagong ambassador ng Santé Barley.

Pero kaya pa ba niyang magka-third baby sila ni Pauleen?

“Ewan ko kung kaya pa ni Pauleen, ako kaya ko pa,” sabay tawa ni Bossing Vic kahapon.

“Pero aniya, I always live it to God kung ibi-bless pa kami ng isang baby,” dagdag pa niya.

Mag-iisang taon na si Mochi sa March at ang lakas na raw nitong kumain.

“Pinakakain ng kung anu-ano ng kanyang nanay,” sabi niya kahit burger.

“Ang bilis nga ng panahon. And we’re so thankful to God that we’re healthy, very beautiful baby, at medyo nakakatayo na. Nakakatayo na nang mag-isa niya, pero mga 2 seconds lang, bagsak ulit,” kuwento pa ni Bossing Vic.

Pero if ever daw, bahala na si Lord.

Dahil sa gag order, hindi na natanong si Bossing sa kontrobersiya kay Direk Darryl Yap.

Pero idiniin niya na “I’m good, I’m relaxed, just going with the flow. Basta ako naman eh I trust in God,” sabi niya sa isang tanong na naikonek ng ibang writer sa nasabing kontrobersya.

“Cause I have a clean conscience. Malinis ang pakiramdam ko. Wala namang dapat ika-worry. So, mai-stress ka lang pagka inisip mo eh.”

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->