Gabi Ng Parangal, kinumpara sa sugal!

Kakki
STAR/File

Malabong magkaroon ng ‘lutuan’ among the jurors ng 50th Metro Manila Film Festival dahil mga kilala at respetado ang bumuo nito na pinangunahan ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino founding member, ang writer, movie critic and academician na si Nicanor Tiongson co-shared ng chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang writer-director na si Joey Javier Reyes, ang Director-General ng Film Academy of the Philippines na si Paolo Villanuna, ang award-winning veteran screenwriter na si Roy Iglesias, at iba pa.

Nagparamdam ang netizens sa kanilang pagkadisgusto sa ilang winners ng katatapos pa lamang na Gabi ng Parangal na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino in Parañaque City nung nakaraang Dec. 27, 2024.

Tulad ng ibang mga nagdaang awards night ng MMFF, may mga sang-ayon at hindi pabor sa mga list of winners at madalas din itong mangyari sa ibang award-giving bodies.

Pero tulad ng sugal, may nananalo at may natatalo sa mga awards night.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pangunguna sa takilya ng pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda, ang And the Breadwinner Is…

May mga nanalo na, kaya sana ay makatulong ang mga nasabing award tulad sa pelikulang Isang Himala na may limang napanalunang awards para makahila ng mga manonood at madagdagan pa sila ng mga sinehan.

At the end of the day, negosyo pa ring maituturing ang MMFF dahil sa ‘first day, last day basis’ sa mga sinehan. Kapag mahina ang pelikula ay ipu-pull out nila ang mga sinehan at ibibigay sa malalakas na movie.

Samantala, inaasahan na malalagpasan ng 50th MMFF ang kinita ng 2023 MMFF na umabot ng mahigit isang bilyong piso.

Epal ba? Uninvited?

Hindi talaga maiwasan ang pamumulitiko ng ilang kandidato sa midterm elections sa darating na May 2026.

Kapansin-pansin na may ilang political candidates ang dumalo sa nakaraang Gabi ng Parangal ng MMFF last Dec. 27, 2024 kahit wala naman silang kinalaman sa nasabing event. Epal tuloy ang tawag sa kanila ng marami.

Bagama’t ang ilan sa kanila ay bahagi ng MMFF dahil MMDA ang nagpapatakbo nito na sakop ang local government units ng buong MM.

May ilang pulitiko na kahit walang connection sa mga kandidato sa iba’t ibang malalaking events ay pupuntahan nila ito para lamang ma-feel ang kanilang presence bagay na pinapalagan ng netizens. Pero kapag naluklok na, ni wala nga sila maitulong sa industriya.

Show comments