Walang naging aberya ang ginanap na Parade of Stars ng #MMFF50 kahapon sa kalakhang Maynila.
Nasunod ang mga plano ng MMFF / MMDA.
Ang gaganda ng mga float at nakiisa ang mga bida ng sampung pelikula na official entries sa 50th anniversary ng film festival.
“Happy 50th MMFF! Congratulations to the whole team. This has elevated the MMFF to a new level. Sana’y patuloy ang suporta at pagmamahal ng mga kababayan natin sa pinakamalaki at pinaka exciting na film festival ng ating bansa - ang Metro Manila Film Festival!,” sabi ni Chair Don Artes.
Ayon naman sa MMFF Spokesperson Noel Ferrer: “We are witnessing the grandest MMFF Parade Of Stars in its 50 year history! We are doing everything to give you the biggest, the happiest and the most prestigious Metro Manila Film Festival we all deserve! After this, see you at the movies!!!”
“We are proud of all the 10 entries in the 50th edition of the MMFF because they truly showcase exceptional quality and talents. Because of this, we are optimistic that moviegoers will flock to the cinemas to support all the entries and bring back the Philippine movie industry to its old glory,” dagdag ni Chair Artes.
Dagsa ang fans sa float na talagang pinaghandaan.
Pero bongga ang float ng Topakk, andaming paandar.
Tho kakabilib din ang float ng The Kingdom, Uninvited, Espantaho, actually, lahat ng float.
Mainit ang pagtanggap ng mga dumagsang fan sa makulay at bonggang parada na nagtapos sa isang music fest sa harap ng Manila Post Office na ang ganda ng pagkaka-set up na pinangunahan ni Bamboo.
Pero pakakaabangan ang pagbubukas sa mga sinehan ng sampung kalahok simula sa Pasko, Dec. 25.
Matindi ang pressure ng bawat pelikula lalo na at lahat sila ay gumastos at gumalaw upang lahat ay kumita.
Hindi equal ang number of theaters ng mga pelikulang kasali pero nakadepende pa rin sa magiging resulta sa first day ang magiging kapalaran nila.