Ka-loveteam ni Andres, da who!

Andres at Ashtine.
STAR/ File

Ang bongga naman ng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Andres na bibida na sa sarili niyang serye.

Nilabas na ang official trailer ng pagbibidahan niyang serye na Ang Mutya ng Section E na mapapanood lang pala sa streaming platform na Viva One.

Ala Dao Ming Si ng Meteor Garden ang karakter niya roon na sa trailer pa lang daw ay lutang na ang X factor ng kakambal ni Atasha.

Kita na nga naman ang potential ni Andres pero konting practice pa raw para raw sa acting niya.

Sigurado namang hindi siya pababayaan ng tatay niyang si Aga na tiyak na pinapayuhan ang anak sa pag-arte.

Para sa baguhang artista ay ok na raw ang bagets at kailangan lang daw magpraktis pa ng Tagalog dahil bulol pa ito na Inglesero nga kasi ang anak nina Aga at Charlene.

Depensa naman nga mga tagahanga niya conyo naman daw kasi talaga ang karakter niya.

Pero hindi nakaligtas ang ka-loveteam niya na baguhang aktres na si Ashtine Olviga na nakatanggap ng mga panlalait sa mga nega na netizen.

Sobrang da who raw ang girl na napaka-ordinaryo raw ng hitsura. Mas bagay raw sana si Andres sa mga mala-Julia Barretto na beauty.

‘Kaloka.

Sey naman ng ibang netizen ay magaling naman itong umarte kahit hindi kagandahan at cute naman daw ito kaya bigyan ng chance.

Pero isa sa napagkasunduan ng netizen ay napakagwapo raw talaga ni Andres na grabe ang tangos ng ilong. Bongga talaga.

Show comments