Gary V, ‘di natapos ang concert!

Gary Valenciano.

Hindi na tinapos ni Gary Valenciano ang unang gabi ng kanyang two-night solo concert sa Big Dome (Araneta Coliseum) last Saturday, Dec. 20, na pinamagatang Pure Ener­gy: One More Time na pinamahalaan ng kanyang panganay na si Paolo Valenciano.

Bago pa man sumalang si Gary V. sa entablado ay hindi na maganda ang kanyang pakiramdam. He felt weak dahil sa kanyang sunud-sunod na pagsusuka at siya’y na-dehydrate.

Sa simula pa lamang ng concert na ang kanyang bunso at only daughter na si Kiana Valenciano ang opening act ay humingi na ito ng dalangin for his dad who was backstage and attended to ng doctor cousin ng misis niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano na si Dr. Chad Hizon.

Makailang beses umanong nagsuka si Gary V. kaya siya hinang-hina at hindi halos makatayo. Kung si Dr. Hizon lamang ang nasunod, ayaw niyang tumuloy pa ito sa kanyang concert pero hindi pumayag ang mister ni Angeli.

Nagkagulo sila backstage dahil sa kalagayan ni Gary.

Gary requested na baguhin ang song sequence ng kanyang concert at sa halip ay kumanta lamang ito siyam na kanta tulad ng Shout for Joy, That’s Why, Eto Na Naman, Di Na Natuto, Everybody Get Down, Favor of the Lord, Natutulog Ba ang Diyos, Warrior is A Child at Take Me Out of the Dark and in the middle of his final song, he requested the audience kung puwedeng hindi na niya tatapusin ang kanyang concert.

Na-sense ito ng crowd sa loob Araneta Coliseum na masama ang pakiramdam niya.

Nagulat pa si Dr. Hizon na nakapag-perform pa si Gary although hindi nito tinapos ang kanyang show.  From the stage ay agad isinugod sa pagamutan ang mister ni Angeli kung saan agad na-address ang kanyang sakit.

Unknown to many, madalas magkaroon ng health challenge sa part ni Gary sa tuwing magkakaroon ito ng show. Pero agad itong naa-address bago pa man siya humarap sa audience.

“That’s the reason kung bakit very strict kami pagdating sa kanyang technical rider dahil sa health condition ni Gary,” pahayag ni Angeli.

But this is the very time in his 40 years in the entertainment industry na hindi niya tinapos ang kanyang show.

Ayon sa misis ni Angeli ay may nakain umano si Gary na siyang naging sanhi ng kanyang pagsusuka at panghihina at idagdag pa riyan ang kanyang iba’t ibang karamdaman tulad ng kanyang type-1 diabetes kung saan madalas siyang magka-seizure. Sumailalim na rin siya ng heart and kidney operation at iba pang sakit. Pero pagda­ting sa entablado at harap ng camera ay aakalaing healthy at walang sakit ang tinaguriang Mr. Pure Energy.

Inaasahang magiging normal ang pakiramdam niya on his second and final night ng Pure Energy:  One More Time ngayong gabi sa Big Dome directed by his eldest son na si Paolo Valenciano.

Samantala, kakaiba ang dedikasyon ng misis ni Gary V. na si Angeli Pangilinan-Valenciano sa kanyang mister na hindi lamang misis at talent manager kundi siya ang tumatayong special nurse and caregiver ng kanyang mister.

Maraming beses mang sinubok ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, hindi bumitaw si Angeli sa kanyang mister na kailangang tutukan ang kalusugan dahil sa kanyang iba’t ibang sakit.

Inaasahang magiging 100% in top form ngayong gabi sa ikalawang gabi ng kanyang two-night concert sa Araneta Coliseum. Ito bale ang magsisilbing last major solo concert niya sa malaking venue but he’s not retiring yet bilang performer dahil magsu-show pa rin siya in smaller venues.

“My mind dictates na kaya ko pa pero hindi na kaya ng katawan ko na marami nang iniinda,” pahayag ni Gary V. nang ito’y aming makapanayam sa aming online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo, on my YouTube channel.

Show comments