Pasabog, nakakakilig, at exciting na mga bagong teleserye, pelikula, at concert ang handog ng ABS-CBN sa pagpasok ng 2025.
Isa na rito ay ang Incognito na pinangungunahan nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla, kasama rin sina Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Maris Racal, at Ian Veneracion.
Pangungunahan naman ni Gerald Anderson ang drama na Nobody, kung saan muli niyang makakapareha si Jessy Mendiola, kasama rin sina JC de Vera, RK Bagatsing, at ang Gen Z love team na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.
Matapos ang mahigit isang dekada, magbabalik teleserye si Anne Curtis sa adaptation ng hit K-drama na It’s Okay To Not Be Okay, na kabilang rin sina Carlo Aquino at Joshua Garcia.
Tampok naman sina Bela Padilla, Charlie Dizon, Janella Salvador, Julia Barretto kasama rin sina Jake Cuenca at JM de Guzman sa mystery-thriller na seryeng What Lies Beneath.
Mapapanood naman sa big screen sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa pelikulang My Love Will Make You Disappear, na ipapalabas sa Pebrero.
Samantala, handog ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano ang kilig sa kanilang rom-com series na How to Spot a Red Flag, na co-produced with Dreamscape Entertainment at Viu.
Abangan din ang mga proyektong pagtatambalan nina real-life couple Janine Gutierrez at Jericho Rosales, pati na rin ni Lovi Poe at Zanjoe Marudo.
Dapat ding pakaabangan ang comeback shows nina Enrique Gil at James Reid.
Kaabang-abang din ang pinakabagong dance survival reality show na Time to Dance hosted by Robi Domingo at new gen dance champ Gela Atayde.
Bukod dito, magbabalik din ang Pilipinas Got Talent para sa bago nitong season na may panibagong panel ng mga hurado.
Samantala, patuloy na maghahatid ng musical experiences ang ABS-CBN Music group tulad ng Star Pop campus tours, regional concerts ni Maki, Grand BINIverse: The Repeat, at bagong mga kantamula sa iba,t ibang hitmakers ng bansa.
Hindi rin dapat palampasin ang ika-30 taong anibersaryo ng longest-running afternoon show na ASAP kung saan ipinagdiriwang nito ang 30 taonng paghahatid ng Pinoy global concert experience sa mga manonood sa buong mundo.
Bukod sa exciting na bagong plot twists na dalang primetime shows na FPJ’s Batang Quiapo at Lavender Fields , inanunsyo rin ang pagbabalik ng segment na Tawag ng Tanghalan sa nangungunang noontime show nitong It’s Showtime.
Ate Vi, nagluluksa
Pinaka-apektado si Star for All Seasons Vilma Santos sa pagpanaw ng veteran movie columnist at PR man na si tito Eduardo de Leon.
Ang tagal ng pinagsamahan nila. “Movie ko pa with Danny Zialcita... Langis at Tubig !! ,” sabi ni Ate Vi nang tanungin ko via Viber kung kailan nag-umpisa ang closeness nila ni tito Ed na kasalukuyang nakahimlay sa St. Peter Quezon Avenue at nakatakdang i-cremate sa Lunes (Dec. 23) ng hapon.
Pagpapatuloy ng kuwento ni Ate Vi na abala sa promo ng MMFF entry niyang Uninvited: “Tapos naging permanent PRO na siya ng Vilma Show ko... mula nun ‘di na kami nagkahiwalay! Kahit na buwan o taon na hindi kami nagkikita...”
Hanggang nung maging aktibo na siya sa public service, hindi humiwalay si tito Ed kay Ate Vi.
“Nung naging public servant ako... lagi siyang may balita or article para sa akin!!”
At ayon kay Ate Vi, walang kapalit na bayad ang pagiging loyal ni tito Ed sa kanya.
“Lahat nang ginagawa niya for me walang hiningi nakapalit si Ed... kilala ninyo prinsipyo ni Ed!!!
“Pareho pa namin kaibigan ng malapit ang mga taga Batangas lalo na ang mga kaparian dito! Malapit siya sa mga pari ng lipa!!!!
“Mula nuon hanggang mga huling sandali niya... hanggang nanghihina na si Ed... palagi pa rin siyang present sa mga affair ko at binibigyan niya ako ng mga payo sa career at public service!
“Mahal na mahal siya ng nga vilmanians ko!!!
“Mahal namin si Ed De Leon! Kaya nga kung may maitutulong ako for him sa abot ng aking makakaya... NANDITO AKO , SALVE a text away!!!!,” kabuuan ng mensahe ni Ate Vi.
Ang maganda kay ate Vi, marunong siya talagang magpahalaga sa mga taong tumulong sa kanya.
Pumanaw si tito Ed noong Miyerkules, Dec. 18, ganap na 4:00 p.m.
Anyway, nauna nang inamin ni Ate Vi na na-challenge siya sa pelikulang ito.
“It’s been hard for me to find a role that will be suitable for my age and the role that will challenge me because, in my more than 62 years in the industry, I feel like I’ve already done every role and most of the characters appear to be repetitive,” sabi niya sa nakaraang mediacon ng pelikula.
“But with Uninvited and my role, I feel I was somehow challenged.”
Kasama sa pelikula ni Ate Vi sina Aga Muhlach and Nadine Lustre with RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, and Tirso Cruz III.
Sa direksyon ni Dan Villegas sa kanyang comeback directorial film pagkatapos ng anim nataon, ang Uninvited ay nagpapakita ng hindi malilimutang collaboration ng ilan sa mga pinakamahuhusay na aktor sa Philippine cinema, na isinulat ni Dodo Dayao.
GMA, ‘di pinakawalan ang Showtime
Opisyal na ang pahayag ng ABS-CBN na tuloy ang pag-ere ng programang It’s Showtime sa GMA 7.
May ilang nang-iintriga na diumano’y hanggang end of the year na lang sila sa Kapuso network kahit na sinabi na ni Ms. Annette Gozon-Valdes na may hinintay lang mga data bago ang announcement ng renewal ng contract ng noontime show ng Kapamilya sa Kapuso network.
Narito ang opisyal na pahayag ng ABS-CBN :
: “Masaya ang ABS-CBN na ibalita na magpapatuloy ang “It›s Showtime” sa pag-ere tuwing tanghali sa GMA mula Lunes hanggang Sabado.
“Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN at ang pamilya ng “It’s Showtime” sa GMA para sa kanilang patuloy na tiwala at suporta.
“Patuloy kaming maghahatid ng inspirasyon at saya sa aming mga manonood.
“Maraming salamat, mga Kapuso, mga Kapamilya, at Madlang People.”