Hindi pa rin daw nawawala ang pangungulila ni Boboy Garavillo sa yumaong kaibigan at APO HIking Society member na si Danny Javier.
Hindi raw kasi madaling kalimutan ang naging friendship nila ni Jim Paredes with Danny na pumanaw noong October 2022 dahil sa kidney failure.
“Can you imagine, for 45 years, we’ve been performing together tapos siya ‘yung spokesperson namin sa stage, lahat ng banter namin sa stage, lahat ng katuwaan namin, lahat ng gimik nasa gitna siya. Tapos nag-umpisa kami ni Jim last year mag-concert muli, parang tinatakbo namin ‘yung mga spiels, nabubungi eh… ‘sinong magsasabi nun?’” sey ni Boboy.
Ayon pa kay Boboy, binuo nila ang APO bilang grupo kaya hindi sila maaaring mag-solo.
“Kasama namin siya noong we were building the Apo Hiking Society to something greater than us. Kaya hindi kami nagso-solo, eh. Hindi kami puwedeng mag-solo, ang lakas namin kapag magkakasama kami.”
Kung may mensahe si Boboy para kay Danny ngayong Pasko, ito ay: “I really miss you, especially when we have very, very successful shows. We wish we could share it with you. I’m sure, tumatalon-talon ka rin sa langit,”
Isa sa naging successful albums ng APO ay ang kanilang 1991 Christmas album titled PaskonAPO at naging hit ang singles na Paskong Walang Pera, 12 Days of Pinoy Krismas at Tuloy na Tuloy Pa Rin Ang Pasko.
Mikee, na-confuse kay Kelvin
Inamin ng Lutong Bahay host na si Mikee Quintos na nanligaw sa kanya si Kelvin Miranda noong ginagawa nila ang teleserye na The Lost Recipe noong 2021.
Pero na-confuse raw si Mikee sa mga kinikilos ni Kelvin. ‘Di raw niya alam kung totoo or para sa publicity ng show.
“I think ‘yung confusion na ‘yun was what scared me. Pero kung mas sure si Kelvin, baka mas nag-develop kami.”
Nagsimula na raw manligaw kay Mikee si Paul at ayaw niyang maging unfair kay Kelvin. Kaya nauwi na lang daw sa pagiging friends ang dalawa.
Rihanna, nagpa-autograph kay Mariah sa dibdib
Sa sobrang pagiging fangirl ni Rihanna kay Mariah Carey, nagpa-autograph ito sa Queen of Christmas sa kanyang dibdib!
Nanood sa Barclays Center in Brooklyn, New York si Rihanna ng final Christmas Time tour ni Mariah at hindi raw niya pinalagpas ang pagkakataon na magpa-autograph.
“I need a signature. Who has a Sharpie? Sign my t*t! Mariah Carey is signing my t*t, y’all! This sh*t is f**king epic!” sey ni Rihanna sa proud moment na iyon with Mariah.