MANILA, Philippines — Napahiya ang isang member ng media na inakala niyang malapit sa sikat na aktor nang humingi ito ng tulong ngayong Pasko para rin maipamahagi sa nangangailangan.
Nagbakasakali lang ang media lalo na’t matagal na’t kaibigan ang turingan nila ng aktor.
‘Yun nga lang, sa halip na magbigay, itinuro ang press na lumapit sa government agencies na nagbibigay ng tulong sa mahihirap, huh!
Shocked ang press dahil hindi niya akalaing aabot sa point na ituturo siya sa ahensiya ng pamahalaan na ang trabaho ay tumulong sa mahihirap eh hindi naman para sa kanya ang hinihingi sa aktor, huh!
Taiwan Killer, iba ang atake
Ibang-iba pala ang atake sa festival movie na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital nang mapanood ito ng members ng media last Thursday sa SM Megamall.
Walang elementong makikita pero damang-dama sa kabuuan ng movie ang suspense sa eksenang kinasasangkutan ng cast playing as themselves na sina Enrique Gil, Jane de Leon, Rob Gomez, Alexa Miro, MJ Lastimosa, Raf Pineda, at Zarckaroo.
Adaptation ang MM Reality-produced movie sa South Korean box office hit na Gonjiam: Haunted Asylum.
Eh kung nagustuhan ninyo ang foreign film na The Blair Witch Project, mas lalo kayong mapapabilib sa execution ng movie na natural na natural ang reactions ng cast!
Biro nga ni Enrique na isa sa producers ng movie nung medicon, kahit pangsampu o last sa floats sa Parade of Stars ngayong araw, Sabado, huwag daw silang iiwan, huh!