Marian, bumawi kay Zia

Marian at Zia

Hindi napipikon si Marian Rivera tuwing inookray siya sa nag-viral niyang performance ng kanta ni Rihanna na Unfaithful.

Kwento niya habang nasa isang event sila kasama ang mister na si Dingdong Dantes, ito pa nga raw ang paboritong meme niya ng kanyang sarili na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa tuwing lilitaw ito sa social media.

Parang taun-taon nga lumalabas ito at nagte-trending.

Makikita kasi sa video ang pagkanta ng aktres sa stage ng dating Sunday show na Party Pilipinas.

Nagpo-promote siya noon ng 2013 drama niya na Pinoy adaptation ng Korean drama na Temptation of Wife.

Wala palang alam ang mister niya tungkol doon kaya pinaliwanag niya roon.

Tawang-tawa pa rin daw siya sa kanyang ginawa. Galing pa raw siyang taping noon at sobrang puyat siya. Hindi raw niya alam ang kanta kaya bahala na raw at ginawa ang makakaya niya.

Kaya pinagtatawanan pa rin daw niya ang sarili hanggang ngayon tuwing nakikita niya iyon.

Bigla nga niyang naalala ay nabawi naman daw sa anak niya na ang tinutukoy ay si Zia na may talent sa pagkanta.

Nag-voice lessons pa nga ito at kamakailan ay nag-trending ang kanyang performance sa kanyang recital.

Samantala, bumilib ang mga netizen kay Marian na hindi na talaga apektado sa mga basher at bully. Pinagtatawanan pa nga nito ang sarili. 

Patunay lamang daw ito kung gaano ka-strong at secure na babae ito. 
Bongga.

Show comments